Dear KaPAB,
Nagalit tayo ng nalaman natin ang presyo ng mga damit ng mga manlalaro sa SEA Games.

Sa mahal ng medyas sana nakakalipad na lang sana ang mag-suot nito. Kahapon nalaman natin ang mahiwagang 50 milyon na kaldero.

Ok lang sana kung ganito kamahal basta after SEA games dito natin ilalaga ang mga ganid at corrupt.
Ngayon may lumabas sa internet. Allegedly ito daw ang breakdown ng P6,000,000,000.00 (6 bilyon) para sa SEA games.


If this document is true, sobrang nakakalula ang mga presyo.

Check niyo ang wristag under cauldron production din, ang presyo ay 6 million! Juice ko, gold ba ang ang wrist tag na ito? Kaloka.

Talent fees, 73 million? Tapos may 44 million pa na different talent fees? Sino yung BEP na ang bayad 26.5 million?
Tapos may bago pang talent fees na naman na 22 million. Ang daming talented ang mamahal lang.

May 359 milyon na advertisement at marketing integrator. Sino-sino ang mga ito? Wala naman akong nakikitang ads na lumalabas sa TV. Ang daming integrator.

Sana may mag imbestiga kung totoo o hindi ang mga documents na ito. Pera ng taong bayan ang nakataya dito. Maraming magikero ang kikita dito pag nagkataon.
Di tayo sure kung totoo ang naleak na document na ito pero sure tayo na ito totoo.
Sobrang mahal ang kaldero na iyan. At maraming naghihirap sa ating bansa. Ilang bahay sa Marawi ang puwedeng magawa sa 50 milyon? Ilang street children ang mapapakain ng 50 milyon? Ilang classroom ang magagawa ng 50 milyon?
Ang saklap ng “change is coming” no?
Naaawa Sa Bansa Ko,
PAB
